Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas nakikiisa sa buong bansa sa paggunita ng ika-39 na taong anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ngayong araw. Alinsunod sa Batas Republika Blg. 9256, kinikilala ang ika-21 ng Agosto ng bawat taon bilang “Ninoy Aquino Day” bilang paggunita sa anibersaryo ng kanyang kamatayan.