Skip to main content
GOV.PH

Pampublikong Aklatan: Imbakan ng Kasaysayan ng Bayan

May 1, 2022

NHM2022 #PamanangLokal

Kasali ka sa Talakayan! 

Pampublikong Aklatan: Imbakan ng Kasaysayan ng Bayan 

Ngayong Pambansang Buwan ng Pamana inihahandog ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang isang talakayan hinggil sa gampanin at kahalagahan ng mga pampublikong aklatan bilang tagapag-ingat at lagakan ng mga pamana at mahahalagang dokumento tungkol sa ating kultura at kasaysayan. 

Inaanyayahan ang lahat na lumahok sa bahaginan at talakayan sa “Pampublikong Aklatan: Imbakan ng Kasaysayan ng Bayan,” sa 26 Mayo 2022, 1:00-2:30 ng hapon. Mapapanuod ito nang live sa https://www.facebook.com/NLP1887. At sa mga lalahok sa pamamagitan ng Zoom, maglalaan ng 50 slots para sa mga Zoom participants.

    Meeting ID: 876 1237 9774

    Passcode: 612102

Magsisilbing tagapanayam sina Bb. Bernadine M. Gravela, Head Librarian ng Urdaneta City Public Library, Pangasinan at si Bb. Philline C. Cadungog, Librarian II mula sa Midsayap Municipal Library and Information Center, North Cotabato. Tampok sa tatalakayan ang paghahanda at proseso sa pagkakaroon ng Local History Collection sa mga pampublikong aklatan at ang kahalagahan nito sa pagpapayaman pa ng mga pamana ng bawat bayan. 

Makiisa sa pagpapaunlad ng ating pambansang pamana!

National Library of the Philippines Skip to content