Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa Pambansang Komisyon sa Katutubong Pamayanan at sa buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubong Pamayanan ngayong Oktubre, at ng ika-27 anibersaryo ng pagpapatibay ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) o Batas ukol sa Karapatan ng mga Katutubo.
Sa temang “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan,” kasama ang inyong Pambansang Aklatan sa pagbibigay-pugay at pagpapalakas sa ating mga Katutubong Pamayanang Kultural, at sa paggunita ng mahalagang batas sa kanilang mga karapatan.