Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa National Commission for Culture and the Arts, Komisyon sa Wikang Filipino, National Book Development Board – Philippines, at buong bansa sa selebrasyon ng Buwan ng Panitikan 2023 na isinasagawa tuwing buwan ng Abril alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay sa temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan.” Ang pangunahing layunin nito ay tuklasin ang pagkakaisa ng bawat Pilipino na gumagabay sa pagbuo ng isang bayan. Abangan ang iba’t ibang aktibidad na inihanda ng mga ahensya at institusyon na bahagi sa pagdiriwang na ito.
Halina’t tuklasin ang kultura ng pagkakaisa sa pamamagitan ng panitikan!