Skip to main content
GOV.PH

NLP Heritage Month Ep. 4 – Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila

May 27, 2024

Para naman sa ikaapat at huling bahagi ng “NLP Heritage Month Episodes” para sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pamana, tampok ang pinakaunang nailimbag na katha ng isang Pilipino. Ang aklat na pinamagatang “Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila” ay isinulat ni Tomás Pinpin at inilimbag sa Abucay, Bataan ng kanyang kawani na si Diego Talaghay noong 1610 (o 1619).

Alamin ang iba pang mga trivia tungkol sa aklat na ito. Samahan ang public historian na si Propesor Xiao Chua sa pagtuklas ng mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang pamana na matatagpuan sa Pambansang Aklatan. Sama-sama tayong matuto at palawakin ang ating kaalaman sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

National Library of the Philippines Skip to content