Skip to main content
GOV.PH

EDSA 2024

February 25, 2024

Nakikiisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, EDSA People Power Commission, at buong bansa sa paggunita sa ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na may temang “EDSA 2024: Pagkakaisa at Paninindigan Laban sa mga Bagong Hamon sa Bayan.”

Ang EDSA Revolution ay nagpapaalala sa bawat henerasyon ng katapangan ng Pilipino, sama-samang kilusan, at mapayapang rebolusyon sa pagpapanumbalik at pagprotekta sa ating demokrasya. Kasama sa Mga Koleksyon ng Larawan ng NLP ang iba’t ibang larawan ng mga pampublikong demonstrasyon na kinunan noong 1986 EDSA Revolution na sumasalamin sa pakikipag-ugnayan ng mga tao upang magpatibay ng pagbabago.

Bisitahin ang Koleksyon ng Larawan ng NLP sa pamamagitan ng link na ito: https://nlpdl.nlp.gov.ph/PX01/home.htm

#EDSA38 #NationalLibraryPH

National Library of the Philippines Skip to content