Skip to main content
GOV.PH

NLP sa PBF Davao

August 21, 2023

Matagumpay na nagtapos ang Philippine Book Festival (PBF) sa lungsod ng Davao matapos ang tatlong araw ng selebrasyon sa SMX Convention Center Davao, SM Lanang noong Agosto 18-20, 2023.

Walang patid ang programa na nagpatingkad pa sa mga Pilipinong manunulat , mga alagad ng sining at literatura, mga publisher, kasama ang iba pang masugid na sumuporta sa pinakamalaking traveling book festival sa bansa.
Naging kasiya-siya din sa maraming Davaoeños ang exhibit ng mga natatanging aklat na pinangunahan ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas kasama si NLP Director Cesar Gilbert Q. Adriano at mga kawani ng Filipiniana Division at Research and Publications Division.
Tunghayan ang ilan sa mga tagpo sa exhibit ng NLP sa PBF Davao.
Daghang Salamat Davao!!!

#NationalLibraryPH

National Library of the Philippines Skip to content