Skip to main content
GOV.PH

Bisitahin ang NLP Booth para sa Anibersaryo ng Kalayaan

June 9, 2023

Samahan ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, sa paggunita ng ika-125 taong anibersaryo ng ating kalayaan. Ang NLP ay naghanda ng isang booth sa Rizal Park (Luneta) kung saan malalaman ng mga bibisita ang iba’t ibang serbisyo at impormasyong maaaring matanggap mula sa NLP. Kasama din ang ating mga #NLPKuwentistas na magbabahagi ng mga kuwento at iba pang mga aktibidad para sa mga bata. Kaya tumungo na sa Luneta mula Hunyo 10 – 11, 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. at sama-sama nating damhin ang kasiyahang dulot ng ating kalayaan!

#NationalLibraryPH
#PH125 #Kalayaan2023

National Library of the Philippines Skip to content