sinagawa noong 23 Setyembre 2022 ang Birtwal na Paglulunsad ng ika-32 Taong Pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyong Pang-aklatan at Pang-impormasyon na may temang, ““Mga Aklatan Bilang Kanlungan ng Karunungan: Tagapangalaga ng Kultura at Pamanang Lokal.” Kasama ang iba’t ibang Library Associations, mga kinatawan ng mga pampublikong aklatan sa bansa, at ilang mga personalidad sa social media na nakibahagi sa Zoom, live itong napanuod sa NLP at NCCA website.
Sa pamamagitan ng mga mensahe ng mga tagapamuno ng taunang selebrasyong ito, inilahad nina Prof. Salvacion Arlante, Tagapamuno ng Pambansang Komite ng Aklatan at Serbisyong Pangkabatiran at Direktor Cesar Gilbert Q. Adriano ng NLP ang paghikayat sa lahat na makiisa at makibahagi sa mga gawain ng LISM 2022.
Patuloy na subaybayan ang iba pang mga anunsyo sa NLP website FB Page o maaaring bisitahin ang LISM microsite http://web.nlp.gov.ph/lis/ para sa detalye ng gawain at paligsahan.