2023 Gawad Pampublikong Aklatan
August 26, 2023
Pinarangalan kahapon, Agosto 25 ang mga natatanging kawani at tagapaglingkod ng mga pampublikong aklatan ng Pilipinas sa 2023 Gawad Pampublikong Aklatan (GPA) na ginanap sa gusali ng NLP.
Dumalo sa pagdiriwang si Kgg. Jose A. Torres Jr, Director General ng Philippine Information Agency na nagbigay ng mensahe ng pagsuporta sa natatanging gampanin ng mga kawani at tagapangasiwa ng mga aklatan sa bansa. Pinasalamatan naman ni NLP Director Cesar Gilbert Q. Adriano ang mga kawani at tagapaglingkod na ginawaran ng parangal para sa hindi matatawarang dedikasyon at pagsisikap ng kanilang mga aklatan upang makapagbigay ng maayos na serbisyo.
Nagpaunlak din sa pagdalo sina Kgg. Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino; Kgg. Yolanda C. Granda, Tagapangulo ng Professional Regulation Commission- Board for Librarians; Kgg. Lourdes T. David, miyembro ng PRC Board for Librarians; Kgg. Professor Salvacion M. Arlante, Puno ng NCCA-NCLIS; Kgg. Lilia F. Echiverri, Executive Committee Member; Kgg. Nora Fe Alajar, Vice Head at 2023 GPA Judge mula sa National Committee on Libraries and Information Services-National Commission for Culture and the Arts; Bb. Lucila R. Raquino, Pangulo ng Association of Librarians in the Public Sector at G. Rene Manlangit, Pangulo ng Philippine Librarians Association, Inc.; sina G. Sam Chittick, kinatawan sa bansa ng The Asia Foundation at G. Reynald Ocampo, Program Officer na kapartner ng NLP sa GPA.
Samantala, kinikilala din ang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan ng ilan sa mga lalawigan na patuloy na sumusuporta at tumutugon sa pangangailangan ng kanilang aklatan.
Sa nakalipas na limang taon ang NLP at The Asia Foundation ay nagkakaloob ng parangal at pagkilala sa tagapangasiwa at tagapaglingkod ng mga pampublikong aklatan sa bansa.