You are here

Mag-apply ng ISBN, ISSN o ISMN gamit ang INS-POAS

 Mas pinadali na pagkuha n ISBN, ISSN at ISMN sa pamamagitan ng International Standard Numbering System-Philippine Online Application System (INS-POAS). Sundin lamang ang sumusunod na hakbang:

                                                     

1. Magtungo sa ins-poas.nlp.gov.ph/user/login

2. I-encode and nirehistrong username at password at i-click ang "Log in" button

3. I-click ang tab ng aplikasyon na nais gawin

4. Punan ang lahat ng mga impormasyon na kinakailangan

5. Ilakip ang kinakailangan na dokumento at tandaan na isang file lamang ang pwedeng ilakip. I-click ang preview button upang ma-review ang inilagay na impormasyon.

6. I-click ang "Submit" button kung wala nang kailangang baguhin.

7. Maghintay ng Email Notification na naglalaman ng estado ng iyong aplikasyon

*Maaari mo ding tingnan ang estado ng iyong aplikasyon sa iyong account sa pamamagitan ng pag-click sa "Submissions" at makikita mo dito ang estado ng iyong aplikasyon.

 

Copyright © 2011-2021. National Library of the Philippines
Powered by : Drupal