Skip to main content
GOV.PH

NLP Kuwentistas, Wagi sa GAWAD DANGAL NG WIKA 2021

November 10, 2021

Pinarangalan ang NLP Kuwentistas ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas bilang DANGAL NG WIKA 2021 (Samahan) na iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 9 Nobyembre 2021.

Iginawad ang parangal sa NLP Kuwentistas kasama sina MELANIE A. RAMIREZ, JOSE TOMASITO N. FERNANDO, at JAMES ROMMEL A. MABBORANG. Sa pamamagitan ng NLP Book Cart Program, nakapagbabahagi ng mga kuwentong pambata sina Ate Melai, Kuya Tom at Kuya James na may layuning maabot ang mga kabataang salat sa mga libro at babasahin, kasabay ng pagtuturo at pagpapayabong ng wika at panitikang Filipino.

Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.

Malugod na pagbati sa NLP Kuwentistas! Lubos kayong ipinagmamalaki ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

NLP Kuwentistas sa Araw ng Parangal ng GAWAD DANGAL NG WIKA 2021 na ginanap noong 9 Nobyembre sa Makati Diamond Residences. Pagbati kay Ate Melai, Kuya Tom at Kuya James!

National Library of the Philippines Skip to content