You are here

Araw ng Maynila

Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikibahagi sa pagdiriwang ng ika-451 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila bilang Lungsod. Ang Maynila ay naging tahanan ng marami sa ating mga bayani at naging lunan din ng maraming makasaysayang pangyayari at pakikipaglaban tungo sa kalayaan ng ating bansa.
 
Sa araw na ito, ating sariwain ang kagitingan at katatagan ng mga Manileño at ng lahat ng Pilipinong tumulong sa pagtataguyod ng ating bansa.
 
Mabuhay ang Lungsod ng Maynila!
 

Copyright © 2011-2022. National Library of the Philippines
Powered by : Drupal