You are here

Apolinario Mabini Day

                                                      

Ginugunita ngayong araw, 23 Hulyo 2021, ang ika-157 Taong Anibersaryo ng kapanganakan ng isa sa mga dakilang bayani ng bayan, APOLINARIO MABINI. Sa bisa ng Republic Act No. 9430 of 2007, ipinagdiriwang ang "Apolinario Mabini Day" hindi lamang sa Tanauan, Batangas kung saan siya isinilang kundi sa buong bansa.

Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay lubos na nagbibigay-pugay sa tinaguriang “Dakilang Lumpo” bilang isa sa mga kinikilala nating pambansang bayani. Sa panahon ni dating NLP Direktor Teodoro M. Kalaw, tinipon at inilimbag ang mga likha at naisulat ni Mabini. At sa bisa ng Resolution No. 02, s. 2015, ipinahayag ng National Historical Commission of the Philippines ang monumento ni Mabini sa NLP bilang isang pambansang bantayog.

Copyright © 2011-2021. National Library of the Philippines
Powered by : Drupal

randomness