You are here

450th Founding Anniversary of the City of Manila

                                                      

Nakikibahagi ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa pagdiriwang ng ika-450 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Maynila bilang Lungsod na may temang “Maynila, Dalhin mo ang Bandila.”

 

Tahanan ng marami sa ating mga bayani gaya nina Lakandula at Raja Sulayman, ang Maynila ay lunan din ng mga makasaysayang pangyayari sa bansa kung saan naganap ang mga pakikipaglaban para sa pagtatanggol ng ating bayan. Kinikilala ito bilang isa sa mga unang lungsod, Ciudad de Manila (Lungsod ng Maynila), na naitatag noong 24 Hunyo 1571 sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legaspi.

 

Sa paggunita ng pagkakatatag ng Maynila, sinasariwa din natin ang kagitingan at katatagan ng mga Pilipinong nagpatingkad sa lungsod bilang espayong nagtataguyod sa pag-unlad, paglilingkod at pagka-bansa.

 

Mabuhay ang Lungsod ng Maynila!

 

 

Sanggunian:

The Evolution of Manila nakuha sa http://malacanang.gov.ph/75830-the-evolution-of-manila/

NLP Tekno-aklatan http://nlpdl.nlp.gov.ph/CG02/M01/jpg/NLP00CG0000000286.jpg

 

 

 

Copyright © 2011-2021. National Library of the Philippines
Powered by : Drupal

randomness