Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani na kilala bilang ang “Dakilang Lumpo” o “Dakilang Paralitiko”, ang kauna-unahang punong ministro ng bansa na si Apolinario Mabini y Maranan. Siya ay ipinanganak sa Talaga, Tanauan, Batangas noong ika-23 ng Hulyo, taong 1864.